ta•là 1: maliwanag o maningning na bituin 2: pagka-tagpo ng isang bagay na hindi na-man hinahanap 3: pagkabasag dahil labis na mapintog
David (da•víd, déy•vid) : sa Bibliya, hari ng Judah at Israel na pumatay kay Goliath at ang may-akda ng karamihan sa mga salmo
ta•lâ 1: maikling rekord o sulat ng mga katibayan, paksa, mga naisip, at iba pa bílang tulong sa memorya, gamit sa pagsusulat, pagsasalita, at iba pa 2: nakasulat na puna, pansin o obserbasyon 3: maikli at impormal na sulat o liham
tá•la 1: yerba (Limnophila rugosa) na tumutubò sa lantad at basâng pook, ginagamit na pampa-bango sa lutuin 2: katamtaman ang laking tarat (Lanius validirostris), kahawig ng tarát san diego bagaman abuhin ang pang-itaas na bahagi ng katawan 3: pag-apaw ng sisidlan 4: isang uri ng pagbabanta 5: pagiging dapat sa masamâng nangyari
ni 1: nagpapahayag ng pagmamay-ari at karaniwang sinu-sundan ng pangalan ng tao, hal “Bago ang sapatos ni Jona.” 2: nagpapahayag ng tagagawâ ng aksiyon at karaniwang sinusundan ng pangalan ng tao, hal “Hiniram ni Nieves ang aklat.”
bu•hók ni és•ter : bromeliad (Tillandsia usneoides) na pinilakang abuhin at parang sinulid ang nakabiting mga tangkay, umaabot sa 2 m ang habà, at maliliit ang bulaklak
Ar•ka ni No•é : sa Bibliya, ang sasakyang-dagat na ipinagawâ ng Diyos kay Noe upang mailigtas ang isang pares ng bawat hayop at ibon sa panahon ng dilubyo
Á•wit ni So•lo•món : aklat sa Bibliya na naglalamán ng mga tula ng pag-ibig na ipinalalagay na mula kay Solomon